zeldathemes
Malihim. Bow.
Sikreto lang natin 'to.

God is definitely bigger than our problems and struggles in life.

Naalala ko nung ginagawa ko yung thesis namin. Ako lang mag-isa yung nagawa. Malapit ang deadline , pero di pa rin ako tapos. Hanggang sa dumating ang Sunday. Defense na namin kinabukasan. Alas nuebe na ng gabi, pero wala pa din kaming nagagawang slides/presentation/powerpoint. Hirap na hirap na ko. Yung isa kong kagrupo, hindi pa nakakauwi galing sa Iloilo dahil namatay ang grandparent niya. Yung isa naman, nasa hotel dahil andun ang family niya, kaya din rin ako matulungan. Yung dalawang lalaki naman, di ko rin maasahan dahil hindi online.
Buti na nga lang talaga, sobrang supportive ng napuntang thesis adviser sa amin. Tinulungan niya ko. Nagtext ako sa kanya at humingi ng tulong. Nagtanong kung ano ba dapat gawin. Ayun, nag online sya at dun kami nag usap. Maghahatinggabi na, dun ko na naramdaman yung hirap at pagod. Ilang araw ako di kumakain sa tmang oras or worse, di nakakakain, di nakakaligo. Naiiyak na ko. Habang naluluha, paulit ulit kong sinabi, “nahihirapan na ko😰”, ”pagod na pagod nako”. Sinabi ko din yan sa adviser namin, pero pinalakas niya ang loob ko. Ang sabi niya, wag daw ako sumuko. Kaya ko daw yun. Nagdasal ako na sana gabayan Niya ko, bigyan Niya ko ng lakas pa ng katawan at isip para matapos ko. Knowledge at wisdom. At yun, di Niya ko binigo. Dahil natapos ko naman. Magaala-una na nung matapos ko. May pasok ako ng 7:30 kinabukasan.
At dahil sa sobrang bait ni God, approved yung research study namin. Sobrang pinuri ng mga panelists. At sa batch ng 4th year, amin lang ang di pinababago. Iyak ako nun sa harap nila, at nakatingala, thank you ng thank you sa Kanya. Paid off lahat.
Don’t give up, ika-nga. Hindi naman tayo bibigyan ni God ng pagsubok na hindi natin kayang lagpasan. Tiwala lang tayo sa Kanya. Kasi God is biggger than our problems yakang-yaka Niya yun lahat. 😊

  #personaaal    #God    #trust  
<b> <b></b> </b> Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa, kundi ang pagtanggap sa bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban para makasama ka.<p><p>
  #raaandom    #tagalog  

Ang bobo ko talaga sa math. Kasi nung sinuklian ko yung pagmamahal mo, sobra sobra yung naibigay ko.

  #raaandom    #tagalog    #banat    #boom  

Minsan kahit madaming nagkakagusto sa atin, hindi natin pinapansin. Hinihintay kasi natin ‘yung taong imposibleng maging atin.

  #raaandom    #tagalog  
pusangbaboy:

Someday.. ❤️

Aw :&#8221;)

pusangbaboy:

Someday.. ❤️

Aw :”)

Cuuuuuuuuute ughhh

Cuuuuuuuuute ughhh

With my girl utol me he he good evening! :)

With my girl utol me he he good evening! :)

  #litraaato    #seizeters  

Follow our other social networks: Facebook | Instagram | Twitter
Follow our other social networks: Facebook | Instagram | Twitter

Blog Anniversary tom.

Bukas, isang taon na ‘tong secret blog ko na pagmamay-ari ng isang prententious at secretive na tao… whut. Hahaha sikreto kase wala kong schoolmates, classmates na nakakaalam ng blog ko, (except kay Panget) kaya pwede kong ipost mga gusto kong sabihin, nang hindi nag-aalinlangan.

Wala ako magdamag tom. May iba kong way para magcelebrate. Mehehe. Bukas ko nalang kwento, pag sinipag.

  #personaaal    #sana may *appreciation post*    #bwahaha